Ika-apat na pagdinig ngayon ng House Committee on Good Government and Public Accountability ukol sa kwestyunableng paggamit ng pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Muli, hindi na naman sumipot ang mga ipinatawag na mga opisyal ng OVP at DepEd at kanilang iginiit sa isinumiteng position paper na karapatan nilang huwag dumalo sa imbestigasyon dahil may nakabinbing kaso hinggil dito sa korte.
Kanila ring binanggit na hindi nila natanggap ang subpoena at dapat isama rin sa imbitasyon ang draft bill para sa impormasyon ng resource person dahil malaki na anila ang ipinagbago ng subject matter ng pagdinig at hindi na nauugnay sa orihinal na usapin.
Bunsod nito ay isinulong ni ABANG LINGKOD Party-list Representative Joseph Stephen Paduano na muling maglabas ng subpoena ad testificandum laban sa naturang mga opisyal.
Kaakibat nito ang banta na kung hindi sila muling dadalo sa susunod na pagdinig ay ipako-contempt na sila at ipaaaresto na sila at ipapaaresto ng komite na pinamumunuan ni Manila 3rd district Rep. Joel Chua.
Una nang hiniling ni representative Rep. Chua sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng lookout bulletin order laban sa nabanggit na mga opisyal ng OVP.