Nilinaw ng pamunuan ng University of the Philippines (UP) ang pagiging wala nitong koneksiyon sa botohan, pananaliksik at iba pang mga aktibidad sa konsultasyong ginagawa ng OCTA Research Team.
Pahayag ito ng UP kasunod ng paghahain ng resolusyon ng limang mambabatas upang magsagawa ng imbestigasyon laban sa OCTA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon sa UP, ang mga inisyatibong may kinalaman sa UP faculty at research staff members partikular na ang botohan, pananaliksik at iba pang mga aktibidad ng OCTA ay walang koneksiyon, hindi naka-sponsor at inorganisa ng unibersidad.
Tiniyak naman ng UP ang pagsasagawa nito ng hakbang upang mapahusay pa ang mga protocols at maprotektahan ang pangalan, simbolo, kulay at tatak nito sa publiko.
Facebook Comments