Mga inisyung electronic at computer device ng DPWH kay ex-DPWH Usec. Maria Catalina Cabral, ipina-subpoena ng Ombudsman

Naglabas ng subpoena duces tecum ang Office of the Ombudsman na nag-aatas sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad isumite ang lahat ng computer at electronic devices na inisyu kay dating DPWH Undersecretary Cathy Cabral.

Ayon sa Ombudsman, ang naturang mga devices ay isasailalim sa forensic examination ng isang law enforcement agency.

Ito’y upang malaman kung ang mga kagamitan ay pinakialamanan, ginalaw o may binurang datos matapos na mabunyag sa publiko ang flood control scandal.

Umaasa naman ang tanggapan ng Ombudsman sa agarang pagsunod sa subpoena ng DPWH bilang bahagi ng pagsusulong ng pananagutan at pagpapanatili ng integridad ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa maanomalyang proyekto ng pamahalaan.

Facebook Comments