Mga iniwang basura ng bagyong Enteng sa mga kalsada, agad na pinaaaksyunan ni Pangulong Marcos sa mga LGU

Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga lokal na pamahalaan na agad aksyunan ang iniwang basura ng bagyong Enteng sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon kay Pangulong Marcos, nagpapatuloy ang ginagawang clearing operation ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga national roads, kung saan higit 1,700 na gamit ang naka-deploy para manguna sa paglilinis.

Kumikilos na rin aniya ang pamahalaan para agad na maibalik ang suplay ng kuryente sa mga naapektuhan distribution utilities.


Habang nakastand-by na rin ang mga emergency communications equipment at 2,000 search, rescue, and retrieval assets.

Hinimok naman ng pangulo ang publiko na sumunod sa ipatutupad na panuntunan ng mga lokal na pamahalaan para matiyak ang kaligtasan habang bumabangon sa epekto ng bagyo.

Facebook Comments