Mga inquiries na natatanggap ng DepEd kaugnay sa muling pagbubukas ng klase, umabot na sa halos 500

Ilang araw bago ang pasukan, nakatanggap ng 500 inquiries ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa muling pagbubukas ng klase.

Sa pinakahuling datos ng Public Assistance Command Center (PACC), nakatanggap ang kagawaran ng 470 inquiries sa ikalawang araw ng “2022 Oplan Balik Eskwela” (2022 OBE).

Sa kabuuang bilang, 220 o 47% dito ay mga katanungan patungkol sa enrollment.
Sinundan naman ito ng mga tanong tungkol sa school policy and operations, school personnel, Senior High School, at iba pa.


Maliban dito, nasa 180 na walk-in din ang natanggap ng OBE-PACC, habang 119 naman ang email queries, at 85 ang Facebook inquiries.

Inilunsad ng DepEd ang Oplan Balik Eskwela Command Center ngayong araw upang mapadali ang pagbibigay ng tugon sa mga susulpot na problema sa mga paaralan sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22.

Facebook Comments