
Ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa sunod-sunod ng insidente ng pamamaril sa mga paaralan.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na inaaksyunan ng gobyerno ang insidente lalo na’t nasasangkot dito ang mga menor de edad na mag-aaral.
Inatasan na aniya ni PBBM ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na imbestigahan at tiyakin na wala nang mga susunod pang ganitong insidente.
Kamakailan nang pumanaw ang isang estudyante sa Nueva Ecija makaraang barilin ng kaniyang dating kasintahan.
Nangyari ito sa loob mismo ng silid aralan kung saan nagbaril din sa sarili ang suspek.
Isang guro naman sa Lanao del Sur ang pumanaw matapos din barilin ng isa niyang estudyante.
Ang ugat nito, nakakuha umano ito ng bagsak ng grado mula sa biktimang guro.









