MGA INSIDENTENG KINASASANGKUTAN NG MGA MENOR EDAD, TUTUTUKAN SA DAGUPAN CITY

Prayoridad ngayon ng kinauukulan sa Dagupan City ang adhikaing maiiwas ang mga kabataan, partikular ang mga menor de edad sa usaping ilegal na droga.

Kasunod na rin ito ng mga kasong kinasangkutan ng dalawang menor de edad kung saan nasamsam mula sa mga ito daan-daang libong halaga ng hinihinalang shabu.

Sa panayam kay Dagupan City OIC Chief-of-Police, PLtCol. Lawrence Calub, bibigyAn karampatang atensyon ang pagsusulong nito.

Ilan naman sa inihahandang aksyon ay ang pagsasagawa ng dayalogo sa mga eskwelahan, paglunsad ng mga sports activities na hihikayat sa partisipasyon ng mga mag-aaral at iba pa.

Samantala, muli ring kinalampag ang mga magulang sa wastong paggabay sa mga anak upang maiiwas ang mga ito sa ilegal na mga aktibidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments