Kahit may banta ng COVID-19, nagpapatuloy ang paghahatid ng ayuda sa mga residente na bumabangon pa rin mula sa pagkadurog dulot ng bakbakan noon sa pagitan ng militar at ng Maute-ISIS terrorist.
Nakapagpamahagi na ng ₱10.5-million na ayuda ang Task Force Bangon Marawi (TFBM) sa mga residente na nawalan ng kabuhayan habang may Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay TFBM Chairman Secretary Eduardo Del Rosario, umabot sa 4,000 na internally displaced persons sa mga evacuation center ang nakinabang sa financial at livelihood assistance.
Kabilang sa mga benepisyaryo ay ang mga naninirahan sa mga transitory shelters na ginawa ng gobyerno.
Tiniyak ng Task Force na kapag pumasok na ang ‘new normal’ sa buwan ng Hulyo, gagawin ng full blast ang mga major construction works sa Marawi City at inaasahang makumpleto sa December 2021.