Visayas – Ipinasusuri na rin ng DOH sa mga engineers ang integridad ng mga government at private hospitals sa mga lugar, ito ay kahit pa walang ospital na naitalang napinsala sa naramdamang 6.5 magnitude na lindol sa Western Visayas kahapon.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, ito ay upang makasiguro na ligtas ang mga ospital na maaring pagdalhan sa mga pasyente.
Ipinasusuri na rin maging ang pinagkukunang inuming tubig ng mga biktima ng lindol upang makatiyak na hindi malalagay sa alanganin ang kalusugan ang mga ito.
Inaasahan naman ni Tayag na makakatanggap sila ng panibagong ulat mula sa mga apektadong lugar, sa loob ng 48 oras.
Sa ngayon ay nakapagposte na sila ng mga help desk upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng biktima.