Cauayan City, Isabela- Naka pre-position na ang mga relief packs na ipapamahagi ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga lugar na muling nakakaranas ng pagbaha dahil sa pag-uulan dulot ng bagyong Vicky.
Pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) ang paghahanda sa mga ipapamahaging ayuda kung saan aabot sa limang daan (500) na relief goods ang inihanda para sa mga bayan ng Santo Tomas, Sta Maria, San Pablo, Cabagan, Delfin Albano, Tumauini at San Agustion habang nasa 300 relief packs naman ang nakahanda sa bayan ng Benito Soliven.
Samantala, namahagi na ng 100 food packs ang lokal na pamahalaan ng Ilagan para sa mga barangay na apektado rin ng pagbaha gaya ng Bagumbayan, Sta Barbara, Guinatan at Fugu.
Facebook Comments