Mga ipapamahaging tulong sa mga maaapektuhan ng Bagyong Bising mula DOH, nakahanda na rin

Nakahanda na rin ang tulong na ipapamahagi ng Department of Health (DOH) sa ating mga kababayang maaapektuhan ng Bagyong Bising.

Sa panayam ng DZXL News kay DOH Sec. Ted Herbosa, tuloy-tuloy ang kanilang koordinasyon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa mga ipapamahaging tulong.

Kasama rin aniya sila sa pagresponde sa mga residenteng maiipit sa bagyo.

Tiniyak niyang mag-iikot din ang kanilang mga doktor sa mga evacution site para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Department of National Defense o DND Sec. Gibo Teodoro ang kahandaan ng mga tropa ng pamahalaan sa pagresonde sa ano mang kalamidad gaya ng bagyo.

Sinabi ni Teodoro na naging guest speaker matapos parangalan ang mga miyembro ng Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent na tumulong sa mga biktima ng lindol sa Myanmar noong buwan ng Abril na bahagi ng paghahanda ng bansa sa mga sakuna ang pagpapadala ng mga rescuers sa naturang ibang bansa.

Facebook Comments