Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad na sa manila north cemetery.
Ang bawat dala ng mga bumisita ay isa-isang iniinspeksyon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD).
Kaya paalala ni Mpd Station 3 Commander, Lt/Col. Reynaldo Magdaluyo, huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na gamit tulad ng patalim, alcohol, pabango, lighter, at pintura.
Para sa mga nawawalang puntod, sinabi ni Manila North Cemetery Director Roselle Castañeda, handa na ang kanilang Assistance Desk para umagapay.
Sakaling hindi naman mahanap, kanilang itinuturo ang pamilya sa libingan ng mga hayop kung saan dinadala ang mga buto na walang pagkakakilanlan.
Pinag-iingat naman ni Health Usec. Eric Domingo ang publiko sa pagbili ng kandila dahil may masamang epekto rin ito sa kalusugan.
Magiging maginhawa naman ang pag-iikot sa loob ng sementeryo dahil sa mga pumapasadang E-Tricycle.