Mga ipinatutupad na hakbang para hindi na kumalat ang Avian Flu, dapat higpitan pa ayon sa DOH

Manila, Philippines – Pinapayuhan ngayon ng Department of Health (DOH) ang mga kinauukulan na mas higpitan ang pagtutok sa mga ipinatutupad na quarantine measures para hindi na kumalat pa ang Avian Flu,

Ito ay kasunod ng napabalitang 19 na libong kilo ng manok na nakalusot mula sa Luzon sa kabila ng ipinatutupad na shipment ban sa mga poultry products.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial, nakaantabay na rin sila sa Department of Agriculture, kaugnay sa isinasagawa nitong imbestigasyon kung papaano nakalusot ang shipment ng mga manok, upang malaman kung anong kaukulang hakbang ang kailangan nilang ipatutupad.


Payo ngayon ng kalihim sa publiko, manatiling kalmado dahil wala naman aniyang dapat ikabahala.

Facebook Comments