Mga isda at shellfish sa Bataan at iba pang lugar, ligtas na sa public consumption

Matapos ang sunod-sunod na on-ground monitoring at assessment sa mga potensyal na apektadong lugar ng pangingisda at mga komunidad dulot ng oil spill sa Limay, Bataan, kinumpirna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas na sa pagkonsumo ng tao ang mga isda mula sa Bataan, Bulacan, Pampanga at Batangas

Ito ay batay sa resulta ng mga isinagawang sensory evaluation noong July 31, Agosto 6, at August 12, 2024.

Gayundin na ligtas na banta ng kontaminasyon ng langis at grasa ang mga fish at shellfish mula sa Navotas, Manila, Parañaque, at Las Piñas.


Habang hindi pa rin ligtas sa banta ng kontaminasyon ang lalawigan ng Cavite.

Facebook Comments