Mga isdang nakukuha sa Laguna de Bay, ligtas kainin

Tiniyak ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) na ligtas kainin ang mga isdang nakukuha sa Laguna de Bay sa kabila ng pagdami ng mga liya o lumot sa lawa.

Ayon kay Adelina Borja, Department Manager ng Resource Management and Development Department ng LLDA, walang masamang epekto sa kalusugan ang pagdami ng mga lumot sa Laguna de Bay.

Pero hindi rin maganda sa mga palaisdaan ang sobrang pagdami ng lumot dahil nabubulok ito at nakakaapekto sa lasa ng isda.


Sabi naman ni Dr. Maria Teresa Tuliao, acting city health officer sa Muntinlupa, wala silang nakikitang problema sa amoy at lasa ng mga isda mula sa lawa.

Sa ngayon ay lumiit na ang bahagi ng lawa na kulay berde dahil sa lumot pero masangsang pa rin ang amoy.

Facebook Comments