
Generally peaceful ang mga kilos-protestang ikinasa laban sa katiwalian nitong nagdaang linggo sa Metro Manila.
Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) Chief PBGen. Randulf Tuaño, mahigit 2,100 pulis at 1,500 Reactionary Standby Support Force personnel ang ipinuwesto para tiyakin ang seguridad at daloy ng trapiko.
Kabilang sa mga lugar na pinagdausan ng rally ang EDSA Shrine, Mendiola, Senado at iba pang pangunahing lansangan.
Samantala, nagpasalamat naman si Acting PNP Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis, organizers, at mga raliyista sa kanilang disiplina at kooperasyon.
Dagdag pa niya, ang mapayapang protesta ay patunay na posible ang dayalogo at maayos na pagtitipon.
Kasunod nito, nakahanda ang Pambansang pulisya sa iba pang pagkilos na posibleng isagawa sa mga susunod na araw.









