Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na kayang patunayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ibinunyag niyang bank accounts ni Senador Antonio Trillanes na nakakalat umano sa America, Hong Kong at Australia.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, malawak ang pinanggagalingan ng mga intelligence reports ni Pangulong Ruterte kaya mayroon itong nakukuhang mga classified information.
Sinabi ni Andanar na tiyak na masusundan ng pa ang mga isisiwalat ni Pangulong Duterte kaugnay sa mga bank accounts ni Trillanes dahil patuloy ang pangangalap at pagiipon ni Pangulog Duterte ng mga ebidensiya dito.
Pero tanging ang Pangulo lang naman aniya ang may hawak ng impormasyong kanyang isiniwalat at hindi naman aniya ito ibubunyag ng Pangulo kung hindi susuportahan ng matitibay na ebidensiya.
Mga isiniwalat ni Pangulong Duterte na umano’y bank accounts ni Senador Trillanes, kayang patunayan ng pangulo
Facebook Comments