Mga isinulong ni PBBM sa SONA, hahanapan ng pondo ng Kamara

Sisiguraduhin ni House Appropriations Committee and AKO Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na mapopondohan ang lahat ng mga isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang katatapos na ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Kaugnay nito ay tiniyak ni Co ang paghahanap ng mapagkukunan ng pondong mawawala dahil sa direktiba ni Pangulong Marcos na total ban ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ikinalugod ni Co na pinakinggan ni Pangulong Marcos ang malakas na panawagan ng mamamayang Pilipino na alisin ang lahat ng POGO sa bansa.


Pangunahin ding binanggit ni Co ang paglalaan ng pondo para mabigyan ng training at resources ang mga otoridad sa pagtugis sa mga drug lords at drug pushers.

Tugon ito ni Co, sa inihayag na paninindigan ni Pangulong Marcos sa SONA laban sa pagkitil bilang bahagi ng war on drugs.

Facebook Comments