Nananawagan ang Department of Health (DOH) sa mga ospital sa bansa na kumpletuhin ang mga isinusumiteng dokumento para maibigay na ang benepisyo ng mga health workers.
Kasunod ito ng panawagan ng Private Hospitals Workers Alliance of the Philippines (PHWAP) hinggil sa hindi pa ring naibibigay na mga benepisyo sa ilalim ng Bayanihan 2.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, umaasa lamang ang DOH sa mga isinusumiteng dokumento ng mga ospital.
Nabatid na kahapon, umabot na sa P6 bilyon ang naipalabas ng kagawaran para sa active hazard duty pay at Special Risk Allowance (SRA) ng mahigit 700,000 health workers.
Nakapagpalabas na rin ang DOH ng pondo para sa life insurance na aabot sa mahigit 32,000 indibidwal.
Facebook Comments