Manila, Philippines – Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines na okupahin ang mga islang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea o sa South China Sea.
Sa interview kay Pangulong Duterte sa Western command ng Armed Forces of the Philippines ay sinabi pa ng Pangulo na posibleng pumunta siya sa Pag-Asa Islands sa araw ng kalayaan sa Hunyo at doon itaas ang watawat ng Pilipinas.
Binigyang diin ng Pangulo na dapat ay tayuan ng mga istraktura ang mga isla sa Pag-Asa islands para ito ay matirhan.
Ito naman ay sa harap narin ng paninindigan ng China sa kanilang pagaari sa mga isla sa South China sea dahil sakop umano ito ng kanilang 9 dash line.
Matatandaan na nakatakdang pumunta si Pangulong Duterte sa China sa darating na Mayo upang palakasin pa ang bilateral relations ng dalawang bansa.
Nation”