Nagbabala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pampublikong sasakyan na magsasamantala sa mga pasahero ngayong Kapaskuhan.
Sa ikinasang “Oplan Isnabero”, tiniyak ng DOTr na babantayan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang mga terminal sa loob ng mall sa Metro Manila.
Nagpaalala rin ang DOTr sa public utility vehicle (PUV) operators na isang prebilehiyo ang ibinigay na prangkisa sa kanila kayat bawal ang mamili at mangontrata sa mga pasahero ngayong Kapaskuhan.
Samantala, tiniyak ng DOTr na tatapusin nila ang pamamahagi ng fuel subsidy sa mga tricycle driver bago sumapit ang Enero 15 ng susunod na taon.
Facebook Comments