Mga isolated area, pinatututukan ni PBBM sa bibigyan ng tulong

Iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga ahensya ng unahing ilikas at bigyan ng tulong ang mga lugar na mahirap pasukin dahil sa masamang panahon.

Ayon sa pangulo, posible ilang araw na walang makakain ang mga residente na hindi makalabas sa kanilang lugar.

Gayunpaman, kuntento naman daw si Pangulong Marcos sa ginagawang aksyon ng pamahalaan sa epekto ng Bagyong Carina at hanging habagat.


Pinamamadali rin ng pangulo sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkumpuni at clearing sa mga daan at tulay na hindi madaanan ng mga motorista.

Samantala, itinalaga naman ng Malacanang si Jose Maria Villarama bilang tagapagsalita ng Presidential Communications Office for Calamities and Natural Disasters para sa maayos na information dissemination.

Facebook Comments