Mga istasyon ng MRT-3, ininspeksyon

Nag-ikot si MRT-3 Director for Operations Michael Capati sa mga istasyon ng tren.

Ininspeksyon ni Capati ang kahandaan ng mga station personnel sa pagpatutupad ng lahat ng health and safety protocols sa linya.

Siniyasat ni Capati ang ginagawang paglilinis at ginagawang disinfection sa mga tren ng MRT-3.


Nag-ikot din si Capati sa platform areas upang masigurong may mga platform marshal na gumagabay sa mga pasahero at nagpapaalala sa “7 Commandments” ng linya.

Magugunita na binatikos ang MRT-3 matapos mag viral ang video ng isang maintenance staff na minamadali ang pag disinfect sa mga handrails ng tren.

Facebook Comments