Mga istrakturang pansamantalang iko-convert bilang COVID isolation at quarantine facilities, maaari nang magamit ngayong Abril – IATF

Maaaring nang magamit bilang isolation at quarantine facility ang ilang malalaking establishemento sa Metro Manila ngayong Abril.

Ayon kay Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, pagsapit ng April 10 kapwa handa na ang Philippine International Convention Center (PICC) Forum Halls na may 700 bed capacities at Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila na mayroon namang 600 bed capacities.

Habang ang World Trade Center sa Pasay ay ready na pagdating ng April 12 at mayroon naman itong 650 capacities.


Sa kabuuan, sinabi ni Nograles na kayang mag-accomodate ang 3 nabanggit na pasilidad ng 1950 confirmed, potential, and suspected COVID-19 patients.

Maliban sa 3 tinitignan din ng IATF ang Amoranto stadium, ULTRA, QC Circle complex at Veterans Memorial Medical Centre bilang karagdagang isolation at quarantine facility.

Facebook Comments