Daang mga mga mag aaral ng Dinganen Central Elementary School sa bayan ng Buldon ang napagkalooban ng mga supplies kasabay ng isinagawang Outreach program ng mga kapulisan mula armm katuwang ang LGU Buldon.
Layun ng programa ay para matulungan ang mga mag- aaral na kapos sa mga kagamitang pang eskwela kabilang ang lapis at papel: tema ng okasyon “PAPEL AT LAPIS NA BIGAY MO TUNGO SA MAGANDANG KINABUKASAN KO, HATID AY GABAY AT KAALAMAN UPANG KRIMINALIDAD AY MAIWASAN” .
Pinangunahan ng mga opisyales at mga elemento ng REGIONAL MOBILE FORCE BATTALION 14 ng PNP PRO-ARMM kasama ang LGU Buldon sa pangunguna ni Mayor Abolais Manalao ang outreach program.
“Tanging Edukasyon lamang ang makakaahon sa atin mula sa Kahirapan, kaya mag-aral ng mabuti” paalala ni Mayor Manalao sa mga istudyante ng Buldon.
Mga istudyante ng Dinganen, Buldon nakabiyaya ng school supplies mula PNP ARMM
Facebook Comments