Mga isyu laban sa war on drugs, dapat tugunan ng PNP – Senator Aquino

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Bam Aquino sa Philippine National Police o PNP na tugunan ang mga isyung ibinabato laban sa war on drugs.

Mensahe ito ni Aquino sa pahayag ng PNP na zero o walang biktima ng extra judicial killings o EJK sa bansa.

Sabi ni Aquino, sa halip na umaksyon ay nagtatago pa ang PNP sa likod ng sarili nitong definition ng EJK.


Diin ni Aquino, libu-libo na ang namatay sa war on drugs na ikinasa ni President Rodrigo Duterte.

Maliit na porsyento na lang din aniya ang naniniwala na lehitimo ang mga patayan sa war on drugs, at marami ang nangangamba na masasangkot sila kahit inosente.

Pero sa kabila nito, sinabi ni Aquino, na wala pa ring ginagawa na matinding pagbabago at reporma ang PNP.

Facebook Comments