Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kayang maayos ang anumang usapin o isyu patungkol sa isinusulong na modernisasyon sa transportasyon nang hanggang katapusan ng taon.
Sa ambush interview kay Pangulong Marcos, sinabi nitong sapat na ang susunod na siyam na buwan para maplantsa ang phase 1 ng jeepney modernization.
Siniguro ng pangulo sa transport groups, pag-aaralang mabuti ang sistemang ipatutupad at hindi magbibigay pahirap sa mga transport group ang isinusulong na modernisasyon.
Dagdag pa ng presidente na sa pagpasok ng e-vehicle ay gagawin ito nang dahan-dahan.
Siniguro rin ng pangulo na seryoso nilang tinitingnan ang inaalala ng transport groups na baka wala silang mautangan na pambili ng modenong sasakyan.
Facebook Comments