Magsasagawa ng online meeting ngayong araw ang National Task Force on the West Philippine Sea para pag-usapan ang mga naging aksyon ng China nitong nakalipas na araw, na nagbunga ng pagsasampa ng diplomatic protest ng Pilipinas.
Ayon kay National Security Adviser Hermogenes Esperon, isa sa mga pag-uusapan sa naturang pulong ay ang pagtutok ng China ng radar gun sa barko ng Philippine Navy nitong Pebrero sa West Philippine Sea.
Maging ang deklarasyon ng China na parte na ng hainan province ang ilang teritoryo ng Pilipinas.
Kasabay nito, ipinagtanggol ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Delfin Lorenzana ang China kaugnay sa insidente ng radar gun sa West Philippine Sea.
Giit ni Lorenzana, sinusubukan lang ng China kung ano ang magiging reaksyon ng Pilipinas.
Wala rin aniyang masamang intensiyon ang China sa ginawa nito kaya hindi na dapat magsampa ng diplomatic protest ang Pilipinas.