Mga isyung tatalakayin sa oral arguments sa petisyon vs postponement ng barangay elections, inilatag na ng Korte Suprema

Anim na mahahalagang isyu lamang ang tatalakayin sa oral arguments sa Korte Supreme sa petisyon na kumukuwestiyon sa batas na nagpapaliban sa Barangay at SK Elections.

Kabilang sa substantive issue ng Korte Suprema ay kung ang Republic Act 11935 o ang batas na nagpapaliban sa barangay elections ay labag sa Konstitusyon.

Kabilang sa nasabing isyu ay kung may kapangyarihan ang Kongreso na mag-postpone ng halalan.


Nais din ng mga mahistrado na ipaliwanag ng mga partido sa kaso kung ang pagpapaliban sa eleksyon ay paglabag sa right to due process at karapatan ng mamamayan na pumili ng kanilang barangay officials.

Tatalakayin din sa oral arguments ang hinggil sa kung ang postponement ng barangay elections sa October 2023 ay katumbas ng legislative appointment ng incumbent na opisyal ng barangay.

Tig-dalawampung minuto ang binigay ng Supreme Court sa petitioner na si Atty. Romulo Macalintal at sa respondents na Office of the President at Commission on Election (COMELEC) para iprisinta ang kanilang mga argumento

Pagkatapos nito ay susunod na ang interpelasyon o pagtatanong ng mga mahistrado.

Facebook Comments