Binalaan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang mga information technology-business process outsourcing (IT-BPO) company na mahaharap sa penalties kung hindi pa magbabalik sa opisina ang kanilang mga empleyado pagsapit ng Abril.
Ito ay matapos ipag-utos ng Fiscal Incentives Review Board (FIRB) na pabalikin na sa opisina ang mga empleyado ng mga BPO company simula Abril 1.
Ayon kay PEZA Director General Charito Plaza, batay sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law, pwedeng ma-revoke ang lisensya o masuspinde ang mga incentive ng mga kompanyang lalabag sa mga kautusan ng pamahalaan.
Nauna nang sinabi ng Department of Finance (DOF), ang pangunahing ahensya ng FIRB na ang IT-BPO companies sa economic zones ay maaaring magpasyang manatili sa work-from-home setup para matukoy ang kanilang mga working arrangement.
Pero maaaring mawala ang kanilang tax incentives gaya ng income tax holidays at 5% tax sa kanilang gross income.