Nakatakdang manunumpa na ang 80 myembro ng Bangsamoro Transition Authority.
Gagawin ang okasyon alas 4 ng hapon sa Heroes Hall sa Malacañan Palace , base na rin sa imbestasyon mula sa OPAPP na ipinarating sa DXMY.
Bagaman kumpirmadong dadalo sa aktibidad si Moro Islamic Liberation Front Chairman Al Haj Murad Ebrahim wala pang opisyal na mga listahan o mga pangalan na bubuo sa BTA.
Sinasabing si Chairman Murad ay nominado ng MILF bilang Chief Minister ng BARMM habang ang Presidente Rody Duterte ang mag- aapoint sa bubuo ng 80 myembro ng BTA.
Ang BTA ang pansamantalang magpapalakad sa bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao hanggang June 30, 2022.
Samantala nakahanda na rin ang mga ARMM Officials para sa gagawing turn over sa panayam kay Executive Secretary Atty. Laisa Alamia.
GOOGLE PIC
Mga itatalagang opisyales ng BARMM manunumpa kay Presidente Duterte
Facebook Comments