Mga itinalagang “economic team” ni President- elect Bongbong Marcos, “solid choices” ayon sa isang kongresista

Tinawag ng isang kongresista na “solid choices” o maganda ang pagkakapili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa mga itinalaga nito para bumuo ng kaniyang “economic team”.

Napili ni Marcos si Benjamin Diokno bilang kalihim ng Department of Finance o DOF, si Arsenio Balisacan bilang chief ng National Economic and Development Authority o NEDA at si Philip Medalla bilang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP Governor.

Para kay Ways and Means Chairman Joey Salceda, ang pagpili kay Diokno bilang finance secretary ay pinakamalakas sa itinalaga ni President-elect Marcos sa ngayon.


Si Diokno aniya ay kinikilala at nirerespeto “internationally” gayundin ay natatangi ang dignidad at karanasan para pangasiwaan ang pinansyal na estado ng ating bansa.

Naaangkop din aniya si Medalla sa BSP kapalit naman ni Diokno dahil sa malawak na kaalaman nito sa pangangasiwa ng “debt sustainability.”

Welcome development din ang muling pagbabalik ni Balisacan sa NEDA na aniya’y mataas ang kredibilidad sa sektor ng negosyo, academe at government institutions.

Facebook Comments