Mga itinatayong community pantries, posibleng maging COVID superspreaders ayon sa DOH

Nagbabala ngayong ang Department of Health na malaki ang potensyal na maging “COVID superspreaders” ang mga itinatayong community pantries sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag nagkukumpol-kumpulan ang mga tao at di napapansin ang physical distance at maraming nagsasalita, posibleng magkaroon ng superspreader event kahit pa nasa open space ito.

Kaya naman payo ng DOH sa mga organizer ng community pantries, makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa tamang pagpapatupad ng health protocols lalo na ngayong nasa ilalim pa rin ng Modified Enhanced Community Quarantine ang National Capital Region Plus bubble.


Una na rin sinang-ayunan ng Department of the Interior and Local Government ang payo ng DOH upang matulungan ang lahat.

Facebook Comments