𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗙𝗢𝗢𝗗 𝗕𝗔𝗭𝗔𝗔𝗥 𝗔𝗧 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗧𝗜𝗟𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗔𝗚𝗦𝗔 𝗡𝗔 𝗔𝗚𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗜𝗧𝗢

Ngayon pa lang ay dagsa na ang mga itinayong food bazaar at newly installed na mga baratilyo sa Downtown Area sa Dagupan City bilang selebrasyon sa Holiday season.
Asahan pa sa mga susunod na araw ang dagsa ng mas maraming Dagupeños at bisita sa lungsod, gayundin ang bibigat pang daloy ng trapiko.
Ilang mga PUV operators na Dagupan-Bound, bagamat hirap pa rin sa daloy ng trapiko ay ikinatuwa ang ganitong panahon dahil tiyak umano na tataas ang kanilang kita sa pamamasada.

Samantala, sa kasalukuyan, ilang mga road elevation projects partikular sa Arellano St. ay simula na rin sa mga pagsesemento habang mas humahaba na rin ang ginagawang konstruksyon sa bahagi ng Perez Blvd., at ang MH Del Pilar St. na nakatanggap na rin ng Notice to Proceed o NTP ay maaari na ring simulan anumang oras depende sa mapagkakasunduang schedule ng mga implementing agencies. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments