Posibleng payagan nang makabiyahe sa Metro Manila ang mga jeep at UV Express bago mag-June 21.
Ito ay kahit hindi pa tapos ang pagpapatupad sa Phase 1 ng pagbabalik ng public transportation.
Ayon kay Transport Assistant Secretary Mark De Leon, maaaring payagang makapamasada ang mga lumang jeep at UV express sakaling hindi sapat ang bilang ng mga Public Utility Vehicles (PUVs) na pinapayagan lang mamasada simula June 1 hanggang 21.
Nabatid na itinuturing na “high-risk” PUVs ang mga jeep at UV Express dahil wala itong tap card system at Automatic Fare Collection System (AFCS).
Sa ilalim ng Phase 1, papayagan ang pagbiyahe ng mga tren, bus augmentation, taxi, transport network vehicle services, shuttle services, point-to-point buses at bicycles.
Makakabiyahe na rin ang mga tricycle basta’t aprubado ng local government units habang hindi pa rin papayagang makapasok sa Metro Manila ang mga provincial buses.
Pagsapit ng June 22 hanggang 30, kasama nang makakabiyahe ang mga public utility buses, jeep at UV Express.
Mahigit na ipatutupad ang limited passengers capacity at iba pang health protocols.