Mga jeep na hindi pa nakakapag-consolidate ng prangkisa, hindi huhulihin hanggang April 30

Tiniyak ng Land Transporation Franchising and Regulatory board (LTFRB) na hindi huhulihin at malayang makakabiyahe hanggang April 30, 2024 ang mga pampasaherong jeep na hindi pa nakakasama sa consolidation ng prangkisa sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Transportation ay inihayag ni LTFRB Board Member Atty. Mercy Jane Paras Leynes ang pag-iisyu ng Memorandum Circular 2024 – 01 alinsunod sa deriktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na palawigin ng tatlong buwan ang January 31 na deadline ng franchise consolidation.

Sa pagdinig na ay idinaing ng ilang transport groups ang paghuli at pag-impound sa mga jeep na hindi umano nakasunod sa consolidation.


Nangako naman si Leynes sa transport groups na na tutulungang mailabas ang mga naimpound na jeep.

Samantala, lumahok sa pagkilos ang mga miyembro ng grupong PISTON, Bayan Muna at iba pang mga grupo ng transportasyon at mga commuter kung saan kanilang sigaw ang pag-phase out sa Charter Change at hindi sa mga tradisyunal na jeep.

Facebook Comments