Mga jeep na hindi tumutuloy sa kanilang mga ruta, huhulihin!

Manila, Philippines – Bumuo na ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng task force na manghuhuli sa mga nagka-cutting trip na mga jeepney drivers.

Dahil sa dami ng mga natatanggap nilang reklamo, nagdesisyon ang mga opisyal na panagutin ang mga driver na nagka-cutting trip base sa kanilang traffic code.

Ang cutting trip ay ang ginagawa ng mga jeep na hindi pagtuloy sa kanilang biyahe base sa kanilang ruta dahil sa mga mababaw na kadahilanan tulad ng trapik o kaya ay pagtitipid sa langis.


Base sa mga reklamo, talamak ang cutting trip ng mga drivers sa mga ruta sa Rizal Avenue, Divisoria-Recto-San Juan, Harrison Plaza-Baclaran-Buendia at iba pa.

Papatawan naman ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ng P1,000 multa ang mga driver na mahuhuling gumagawa nito.

Facebook Comments