Mga jeep na ituturing nang colorum pagkatapos ng April 30 deadline ng Franchise Consolidation, hindi agad huhulihin ng LTFRB

Tiniyak ng Department of Transportation (DOT) na mabibigyan ng due process ang mga jeepney operator at drivers pagkatapos ng April 30 deadline ng Jeepney Franchise Consolidation.

Sa panayam ng RMN Manila kay Usec. For Road Infrastracture, DOTr Office of Transportation Cooperatives Chairperson Jesus Ferdinand Ortega, pagkatapos ng Abril 30 ay magpapadala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng show cause sa mga operators at drivers na hindi nagpa-consolidate ng kanilang mga prangkisa.

Mayroon ding timeline para padalhan ang mga ito ng notice na nagsasabing wala na silang prangkisa.


Pagkatapos nito ay dito pa lamang huhuliin ang mga jeep na papasada pa rin sa kabila ng pagtatapos at pagbibigay sa kanila ng panahon para magpaliwanag.

Samantala, pinaplantsa na rin ng pamahalaan ang isyu sa kakulangan ng modernong jeep sa ilang ruta sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pagmamatigas ng ilang jeepney drivers at operators na magpa-consolidate na.

Samantala, tiniyak naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang tulong sa mga tsuper na maaapektuhan ng PUV Modernization.

Sinabi ni Atty. Benjo Benavidez, DOLE Undersecretary For Worker’s Welfare and Protection Cluster, sa panayam ng RMN Manila, mayroon na silang nakahandang programa para sa mga drivers na ayaw nang sumali sa programa ng gobyerno.

Facebook Comments