Mga jeepney driver at operator na sumali sa modernization program ng pamahalaan, nasa 70% na

Nasa 70% na ng mga operator at driver ng jeep ang naitalang sumali sa modernization program ng pamahalaan.

Ayon kay Office of Transportation Cooperatives (OTC) Chairperson Jesus Ferdinand Ortega, target nilang pataasin pa ang bilang na ito kung kaya’t puspusan ang pakikipag-ugnayan nila sa iba pang mga operator at driver ng mga transport group sa buong bansa para hikayatin ang mga ito na sumali na sa programa.

Nakatakda ang huling araw ng consolidation ng jeepney mordernization program hanggang December 31, 2023.


Dagdag pa ni Ortega, pagkatapos aniyang mag-apply sa programa at makabuo ng kooperatiba ay ang proseso na ng pagbili ng modern vehicle.

Para naman sa mga driver na ayaw nang pumasada at gustong magpalit ng hanapbuhay, tutulungan pa rin sila ng pamahalaan sa ilalim ng alternative livelihood program ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Nag-aalok aniya ang TESDA ng mga skills training tulad ng vulcanizing, baking, food processing, at digital loading, na kalauna’y magiging kabuhayan din ng mga driver at operator.

Facebook Comments