Mga jeepney driver na mawawalan ng trabaho dahil sa PUV Modernization Program, dapat bigyan ng ayuda at pangkabuhayan

Iminungkahi ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa pamahalaan na bigyan ng ayuda at pangkabuhayan ang mga tsuper ng jeep na mawawalan ng hanapbuhay dahil sa Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program.

Diin ni Tulfo, ilang libong mga jeepney driver ang mawawalan ng pagkakakitaan dahil sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay 75% lang ng mga jeepney operator ang nagparehistro para sa nasabing programa nitong Disyembre 31, 2023 na deadline.

Naiintindihan naman ni Tulfo ang sitwasyon ng pamahalaan na kailangang i-phaseout na ang mga lumang diesel engine na mga jeep at palitan ng makabagong euro4 compliant vehicles para makabawas sa polusyon.


Punto ni Tulfo, hindi naman lahat ng operator ay kayang bumili ng ₱2 million na modern jeepney.

Dagdag pa ni Tulfo, nariyan naman ang Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment na handang umagapay sa mga apektadong tsuper.

Facebook Comments