Pinasok na rin ng jeepney drivers na may rutang University of the Philippines (UP)-Diliman ang urban gardening na proyekto ng Department of Agriculture sa ilalim ng Plant, Plant, Plant program.
Ito’y habang hindi pa sila pinapayagang makapamasada at wala pang face to face classes sa gitna ng pandemya.
Abot na sa 500 mula sa kabuuang 1,200 urban agriculture starter kits ang una nang naipamigay ng Agricultural Training Institute sa mga miyembro ng UP Jeepney Drivers Association.
Asahan pa na makumpleto ang pamamahagi sa iba pa sa mga susunod na araw.
Ang starter kits ay naglalaman ng mga buto ng gulay, trays, at iba pang planting materials.
Naniniwala naman ang mga jeepney driver na makakatulong sa kanilang kabuhayan sakaling tumubo at lumago ang pananim nilang gulay.