Bibigyan ng alternatibong hanapbuhay ng Pamahalaan ang mga jeepney driver na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bukod sa pagiging contact tracers, pinag-aaralan na rin ng Department of Transportation (DOTr) na gamitin sa delivery service ang mga jeepney driver.
Pagtitiyak ni Roque, makakasama na sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Pprogram ang mga jeepney driver.
Sinabi pa ni Roque, puspusan na rin ang modernisasyon sa mga jeep para makaagapay sa ‘new normal’ dahil sa COVID-19.
Matatandaang ilang jeepney driver na ang namamalimos sa kalsada para lamang masuportahan ang kani-kanilang pamilya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Facebook Comments