MGA JEEPNEY DRIVERS AT COMMUTERS SA DAGUPAN CITY, APEKTADO SA ONE REROUTING SCHEME

Sinimulan na kahapon ang one road rerouting scheme sa bahagi ng Arellano St. dito sa lungsod ng Dagupan.
Ilang jeepney drivers ang aminado na nangangapa at naguguluhan sa ipinatupad na rerouting scheme pagkat nasanay na ang mga ito sa araw-araw na ruta na kanilang mga kalsadang dinadaanan.
Ang mga commuters rin ay apektado at nalilito rin sa kanilang pupuntahan kung saan sila ay makakapagpara ng jeepney na kanilang sasakyan.

May mga POSO enforcers naman ang nakatalaga sa bawat road rerouting areas para gabayan at ma-monitor ang mga sasakyan kasama na ang mga tsuper na matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa ipinanukala na rerouting scheme.
Ayon kay POSO Dagupan Chief Arvin Decano, ang rerouting scheme ay mananatili hanggat hindi pa tapos ang mga isinasagawang road at drainage elevation sa ilang kalsada sa Dagupan. Hiling ng ahensya sa lahat ng commuters at draybers ang mahabang pasensya sa ngayon. |ifmnews
Facebook Comments