Hirap umano ang ilang mga jeepney drivers sa Dagupan City lalo na ang mga Arellano at Bonuan Bound dahil sa haba ng rutang iikutan ngayon bunsod ng ipinatupad ng one way scheme sa Arellano St. sa lungsod.
Epektibo ang one way scheme kahapon, araw ng Linggo, October 8 hanggang sa maging maayos ang konstruksyon ng mga road projects ng DPWH.
Hiling ang nasabing road rerouting ng ahensya upang mas mapabilis at tuloy tuloy umano ang pagsasaayos ng mga kalsadahan at mga drainages.
Kaliwa’t kanan naman ang proyekto dahil umpisa na rin ito sa kahabaan ng Perez Blvd at inaasahang mauumpisahan na ang MH Del Pilar St dahil may notice to proceed na rin ito.
Dobleng abala umano ito para sa mga jeepney drivers dahil bukod sa dulot nitong mabigat na daloy ng trapiko, hindi na rin pansamantala muna makakadaan ang mga ito sa nakagawiang loading station kung saan maraming pasahero.
Samantala, umaasa naman ang mga ito na matapos na agad ang mga road projects upang malift na rin umano ang one way traffic scheme at bumalik na sa dati. |ifmnews
Facebook Comments