Mga jeepney sa bansa unti-unti nang nagbabago – DOTr

Manila, Philippines – Kung dati luma, sirain at mausok ang mga jeepney sa bansa ngayon unti-unti na umanong gumaganda ang mga jeep dahil sa PUV Modernization Program ng DOTr.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, nagkaroon na ng bagong bihis ang mga jeepney na tinaguriang hari ng kalsada kung saan mas ligtas sakyan ng pasahero.

Paliwanag ng DOTr sa mga modernong PUV ay hindi hamak na mas maluwag, air-conditioned, may GPS, CCTV at may free WiFi pa.


Bukod sa gumagamit na rin ito ng automated fare collection, Euro4-compliant na rin ang mga modernong jeepney. Ibig sabihin, sampung beses na mas malinis ang emission nito kumpara sa mga lumang sasakyan.

Payo ni Tugade sa mga driver, mas mainam na Euro4-compliant ang gamit na sasakyan dahil mas tipid ito ng 43% sa pagkonsumo ng gasoline.

Ang PUV Modernization Program ang isa sa pinakamalaking programa ng Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng Duterte administration.

Facebook Comments