Mga Judge mula sa mga korte sa Metro Manila, sumalang na rin sa rapid test

Sumailalim na rin sa COVID-19 testing ang mga hukom sa mga korte sa Metro Manila.

Ayon kay Chief Justice Diosdado Peralta, ang mga may edad nang hukom na natatakot sumalang sa test ay pumayag na ring magpasuri.

Anya, tumanggi noong una ang ilang National Capital Region (NCR) Judges partikular ang may edad na dahil takot na malaman na may sakit sila.


Pero nakumbinsi rin ang mga ito ng Office of the Court Administrator na sumailalim sa libreng rapid antibody test.

Mismong sa Supreme Court pumunta ang Metro Manila Judges para sumalang sa rapid test.

Inalok lang ng Supreme Court sa mga hukom sa Metro Manila ang rapid antibody test dahil ang NCR ang epicenter o may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments