Mga K9 unit, sinimulan ng ipakalat ng BuCor sa New Bilibid Prison

Sinimulan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagpapakalat ng 30 K9 units sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City para ma-detect ang mga iligal na droga.

Ayon kay BuCor acting Director General Gregorio Catapang Jr., pagaganahin na rin sa Bilibid ang karagdagang x-ray machine, signal jammer, metal detectors, scanner at CCTV.

Aniya, layon nito na magkaroon ng technology-driven security system sa Bilibid.


Ang kakulangan din aniya nila ng mga tauhan ay tutugunan ng teknolohiya gaya ng facial recognition.

Paliwanag ni Catapang, ang nasabing high-tech na sistema ay matagal ng ipinatutupad sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at ilang ahensya ng pamahalaan.

Subok na rin aniya ang sistema dahil nagamit na ito sa Southeast Asian Games at ico-customize na lamang para sa BuCor.

Facebook Comments