Mga kaalyado ng pangulo, pabor sa imbestigasyon sa Ombudsman

Manila, Philippines – Sang-ayon ang mga kaalyado ng Pangulo ng Duterte sa Kamara na maimbestigahan ang Office of the Ombudsman.

Ayon kina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at PBA PL Rep. Jericho Nograles, hindi dapat ipagwalang bahala ang mga alegasyon ng Pangulo ng katiwalian at pagiging bias ng Ombudsman.

Ang Office of the Ombudsman bilang isang Anti-Graft Body ang siyang dapat na nagbabantay sa katiwalian.


Interesado naman si Evardone na malaman ang punot dulo ng problema kung bakit maraming mga kasong naisampa ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang naibabasura na lamang.

Giit naman ni Nograles, panahon na para matigil ang pagiging bias ng Ombudsman.

Matagal nang naaakusahan ang Ombudsman ng pagkakaroon ng selective justice dahil hindi nito kinakasuhan ang mga kaalyado ni Dating Pangulong Aquino o mga taga Liberal Party.

Facebook Comments