Mga kaalyado ni PRRD, dumepensa sa pagkakasama nina Gretchen Ho at Hidilyn Diaz sa matrix

Manila, Philippines – Dumepensa ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakasama nina media personality Gretchen Ho at Olympic medalist Hidilyn Diaz sa bagong matrix ng Malacañang na nagdedetalye ng sabwatan ng Liberal Party, ng Media at Magdalo para siraan ang kredibilidad ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Manny Luna, commissioner ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC, hindi usapin kung sina Ho at Diaz ay mga personalidad na may malaking ambag sa lipunan.

Ang tanong dito ay kung wala silang kamalay-malay na naging bahagi sila ng paninira, mga komentaryo na nagbubunsod upang siraan ang Pangulo.


Aniya, maaaring natunton ang mga statements nina Ho at Diaz na nakikipag-debate sa social media o sa tweets patungkol sa drug controversy ni Pangulong Duterte.

Sinabi ni Luna na may pag-amin si Ho na nakikipag-debate siya sa mga trolls sa social media.

Simple lamang naman aniya ang depinisyon ng incitong to sedition.

Kung sinumang indibidwal, inosente man o sinasadya na pahinain ang kapangyarihan ng Pangulo sa pamamagitan ng walang bagayang paninira ay hindi ligtas sa kasong inciting to sedition.

Nakatakda magsampa ng kasong inciting to sedition sa Department of Justice o DOJ si Luna laban kina Vice President Leni Robredo at Senador Antonio Trillanes IV.

Pinag-aaralan naman nila kung kasama rito sina Gretchen Ho at Hidilyn Diaz.

Facebook Comments