
Naging emosyonal ang mga kaanak ng mga drug war victim matapos na hindi pagbigyan ang interim release ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa kanila, patunay ito na may pag-asa pa sila para makamit ang hustidya.
Matiyagang pinanuod ng mga kaanak ang livestreaming sa St. Arnold Jannsen Kalinga Center sa Tayuman sa Maynila.
Sa ngayon, ipinaliliwanag naman sa mga kaanak ang mga susunod na mangyayari sa kaso ni Duterte sa ICC.
Facebook Comments









